Friday, December 23, 2016

Maligayang Pasko (1958) - Sylvia la Torre


Maligayang Pasko (1958)

Sumilang ang tanging
pag-asa ng tao
kaya nagdiriwang 
ang madla sa mundo
sa munting sabsaban 
nagbuhat ang Pasko
nag-aginaldo ang
tatlong haring mago

Nasaan ang aking aginaldo
iyan ngayon ang maririnig nyo
ngunit kung tunay tayong Kristiyano
ang bawat araw ay pasko

Noong Araw ng Pasko
ako ay bata pa
minsan sa ninang ko
ako ay nagpunta
ang aginaldo niya 
sa akin ay barya
upang ihulog ko 
sa aking alkansiya

Maligayang Pasko aking Ninang
pagpalain ka ng Maykapal
ibig ko sana ay araw-araw
mamasko sa inyo Ninang

Instrumental

Noong Araw ng Pasko
ako ay bata pa
minsan sa ninang ko
ako ay nagpunta
ang aginaldo niya 
sa akin ay barya
upang ihulog ko 
sa aking alkansiya

Maligayang Pasko aking Ninang
pagpalain ka ng Maykapal
ibig ko sana ay araw-araw
mamasko sa inyo Ninang

No comments:

Post a Comment